Baka Sakali



I owe it to you to let you go. 

I love you. Di ko Rin maipaliwanag ng maayos sayo o sa ibang tao kung baket o paano, Basta Alam ko sa sarili ko na Mahal Kita.

Alam mo, isa sa mga bagay na natutunan ko sa buhay na to, mahirap makipaghiwalay pag may push back. Kaya siguro nahihirapan ka Rin tigilan ako Kasi Ang kulit at Ang kapit ko Rin sayo. 

Thank you ha? Hindi ko na talaga akala na magamamahal pa ulet ako bago Kita nakilala. Hindi rin Naman Kasi ako malungkot na mag isa nuon. Mas naging mas masaya lang nung andun ka. Kailangan lang siguro dumating yung panahon na masanay ako na Wala ka na. 

Titigilan ko ng titigan Ang mga litrato mo, susubukan ko ng di hanap hanapin Ang boses mo. Di ko na rin ipagdadasal na mayakap mo ulet. Uumpisahan ko na ding palayain Ang sarili ko, di ko Alam kung paano pero susubukan ko nang gawin. 

Maraming salamat ulet, sa lahat lahat lahat. 

Ang dami ko gusto sabihin. Mostly, bawiin lahat yan. Haha. Pero unfair na din sayo lahat to. 

Wag mong pababayaan health mo ha? Kahit yun na lang ang bigay mo saken (kala mo Naman may utang na loob ka saken. Haha), yung alagaan mo sarili mo palagi. 

Mahal Kita.

Salamat. 

Comments

Popular Posts